LIMAMPUNG porsyento o kalahati ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap, ayon sa Latest Survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mas mataas ito kumpara sa 49 percent na naitala sa nakalipas na Survey noong Hunyo.
Ang pinakabagong pigura ay kumakatawan sa 14.2 milyong pamilya, o mas mataas ng kalahating milyon mula sa 13.7 milyong pamilya noong Hunyo na nagsabing sila ay mahirap.
Lumitaw din sa resulta ng Sept. 24-30 Survey na nilahukan ng 1,500 adult respondents, na 38% ng mga Pinoy ang nagsabing hindi sila mahirap na 3% na mas mababa sa 41% noong June 2025.

 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					 
					
									



