ARESTADO ng mga tauhan ng Police Regional Office 8 ang limang drug suspect na pawang nahulihan ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Eastern Visayas.
Sa Tacloban City, arestado sa buy-bust operation ang isang alyas “Yel,” 45 anyos matapos makuhanan ng sampung sachet ng shabu na tinatayang aabot sa P61,200 ang halaga.
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Sa Oras, Eastern Samar naman dinakip din sa buy-bust operation ang isang alyas “Zarne,” 33-anyos na nahulihan ng mahigit P8,700 na halaga ng shabu.
Sa Palo, Leyte, inaresto ang 53-anyos na si alyas “Inay,” at 29-anyos na si alyas “Char,” sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Isidro. Nakuha sa kanila ang mahigit P3,500 na halaga ng shabu habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan na si alyas “Toyay,”.
Sa Tolosa, Leyte, dinakip naman si alyas “Louie,” na 41-anyos at isang Job Order Employee ng Provincial Government ng Leyte matapos mahuli sa pag-iingat nito ang apat na sachet ng shabu na tinatayang nasa P1,300 ang halaga.
Samantala sa Mahaplag, Leyte, nakatakas naman ang 43-anyos na si alyas “Junjun” nang matunugan na pulis ang kaniyang ka-transaksyon.
Lahat ng naarestong mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
