18 November 2025
Calbayog City
Local

Police Regional Office 8, tiniyak ang suporta sa bagong liderato ng Philippine National Police

TINIYAK ng Police Regional Office 8 ang suporta sa bagong pamunuan ng Philippine National Police. 

Sa pahayag ay nagpaabot din si PBGen Jason Capoy, Regional Director ng PNP Region 8 ng pagbati at suporta kay Police Lt. Gen Jose Melencio Nartatez Jr. Na itinalaga bilang Officer-in-Charge ng PNP. 

Ayon sa pahayag ni Capoy, nagkakaisa at may dedikasyon na ipinaaabot ng PRO 8 ang suporta sa mga direktiba at programa ng pamunuan ng PNP upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa kriminalidad, katiwalian, at terorismo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).