NAGBIGAY ang Office of the President ng mahigit 760 million pesos na Cash Assistance sa Local Government Units na naapektuhan ng Typhoon Tino.
Inanunsyo ito ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, sa Press Briefing, kahapon.
Una nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon na magdeklara ng State of National Calamity kasunod ng pananalasa ng Typhoon Tino.
Tiniyak din ng pangulo ang tuloy-tuloy na Relief Operations para sa mga sinalanta ng nagdaang kalamidad.




