APAT agad ang nahuli kahapon ng madaling araw kasunod ng pagpapatupad ng Nationwide Gun Ban, sa gitna ng election period para sa May 2025 Elections.
Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Marbil, ilan sa mga baril na kinumpiska mula sa mga inaresto ay pistols at mahahabang armas.
Sa ambush interview, sinabi ni Marbil na ang mga lumabag sa Comelec Gun Ban ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Regions 12, 6, at 3.
Binigyang diin ng PNP Chief na babawiin o sususpindihin ang licenses to own and possess firearms ng gun ban violators.