SINIMULAN nang ilatag ang Comelec ang checkpoint sa iba’t ibang bahagi bilang paghahanda para sa Midterm Elections sa Mayo.
Ipinaliwanag ni Comelec Chairperson George Garcia na ang pnp ang magpapatupad ng “Plain View Doctrine” kung saan titingnan lamang ang mga bagay na nakikita mula sa labas ng sasakyan.
ALSO READ:
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Kailangan lamang aniya na ibaba ng mga motorista ang bintana at buksan ang ilaw sa loob ng sasakyan habang dumadaan.
Wala rin aniyang obligasyon ang mga motorista na buksan ang kanilang glove compartment, trunk, o bag, maliban kung may malinaw na dahilan na alinsunod sa batas.
Sa pamamagitan ng mga checkpoint, mamo-monitor ng mga awtoridad ang pagtalima ng publiko sa gun ban na nagsimula kahapon ng madaling araw.
