INANUNSYO ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ipatutupad ang 58 pesos per kilo na Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa imported na bigas, simula sa Jan. 20.
Sinabi ni Tiu Laurel na layunin ng msrp na magkaroon ng mainam na balanse sa pagitan ng business at sustainability, at para sa kapakanan ng mga consumer at magsasaka.
Idinagdag ng kalihim na kailangang matiyak ang patas at abot-kayang presyo ng bigas, kasabay ng pagtiyak na hindi nila papayagan ang kasakiman ng ilan, para malagay sa alanganin ang kapakanan ng buong bansa.
Inihayag ni Tiu Laurel na unang ipatutupad ang Maximum SRP sa imported rice sa Metro Manila.