19 December 2025
Calbayog City
National

4.6 million na pasahero bibiyahe sa mga pantalan ngayong Holiday Season

HANDA na ang mga pantalan sa bansa sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holiday Season.

Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago, nagsimula na ang pagtatala sa mga pasaherong bibiyahe sa mga pantalan sa bansa at tatagal ang monitoring hanggang sa January 5, 2026. 

Sa pagtaya ng PPA, aabot sa 4.6 million na mga pasahero ang bibiyahe sa mga pantalan sa bansa, mas mataas kumpara sa 4.4 million na pasaherong naitala noong nakaraang taon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).