INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng National Government Agencies na mag-adopt ng austerity measures para sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon, matapos tumama ang mga sakuna at kalamidad na nakaapekto sa bansa.
Sa awtoridad na ibinigay ng pangulo, inilabas ni Executive Secretary Ralph Recto ang Memorandum Circular 110.
ALSO READ:
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Nakasaad dito na dapat magpatupad ang lahat ng National Government Agencies at instrumentalities ng mas simple at matipid na pagdiriwang ng holidays.
Saklaw din ng direktiba ang Government-Owned or Controlled Corporations at State Universities and Colleges.
Bagaman kinikilala ang taglay na autonomy, hinimok ng Malakanyang ang Local Government Units na i-adopt ang kaparehong hakbang.
