30 September 2025
Calbayog City
Local

343,000 na mag-aaral sa Region 8, sasaklawin ng Reading Tutorial ng DepEd 

NASA 343,920 learners mula Grades 1 to 10 sa Eastern Visayas ang sasaklawin ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program, para tulungan ang mga batang hirap magbasa, ngayong Academic Year. 

Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) Regional Office, ang naturang pigura ay kumakatawan sa 40.29% ng 853,510 learners na kasalukuyang naka-enroll sa Grade 1 to 10.

Mayorya ng Target Learners o 157,230, ay secondary students na ang performance ay tatlong School Years na mas mababa sa kanilang inaasahang grade level, base sa result ng Philippine Informal Reading Inventory (PHIL-IRI).

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).