NAGBIGAY si Calbayog Mayor Raymund “Monmon” Uy ng kanyang State of the Children Address 2025, bilang bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng National Childrens Month.
Sa temang “Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!”, ginanap ang event noong Sabado, sa Calbayog City Convention Center.
ALSO READ:
Sa kanyang talumpati, pinagtibay ni Mayor Mon ang commitment ng pamahalaang lungsod para protektahan ang karapatan at kapakanan ng bawat bata sa Calbayog.
Binigyang diin din ng alkalde ang nagkakaisang responsibilidad ng mga pamilya, paaralan, at komunidad upang matiyak na lalaki ang mga bata sa kapaligiran na ligtas, may dignidad, at oportunidad.




