NAKUMPLETO na ng Department of Tourism sa Eastern Visayas ang labindalawang araw na assessment sa labing isang diving sites sa rehiyon na nag-dokumento ng makukulay na coral reefs, diverse marine life, at promising new features.
Ayon kay DOT-8 Director Karina Rosa Tiopes, saklaw ng assessment na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Applied Technical and Marines Solutions, ang Key Coastal Areas sa limang lalawigan.
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Pagpapatibay sa Waste Management System, binigyang diin sa dayalogo sa Calbayog City
Northern Samar, pinag-aaralan ang mas matatag na kolaborasyon sa MMDA para sa disaster preparedness
Ininspeksyon ng survey teams ang underwater conditions, reef health, dive entry and exit points, at distinct ecological features ng bawat site.
Kabilang sa mga in-assess na sites ang San Francisco sa Southern Leyte; Naval, Almeria, Kawayan, Caibiran, at Maripipi sa Biliran; Palo, Leyte; Borongan City, Eastern Samar; at Capul, San Antonio, at San Vicente sa Northern Samar.
