IKINASAL na ang celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Ronnie ang mga litrato ng kanilang kasal at ang tanging caption na nakalagay ay “Zup! Mrs. Alonte.”
ALSO READ:
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
Nag-comment naman si Loisa ng simpleng “Hi.”
Nag-post din ang aktres ng larawan ng kanilang kasal sa kanyang Instagram story na may caption na “Thank you, Lord.”
Una nang inanunsyo nina Ronnie at Loisa ang kanilang engagement noong Nov. 21.
Isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong 2018 at ipinagdiwang nila ang kanilang 9th Anniversary noong Pebrero ngayong taon.
