HANDA nang patunayan ni Emmanuel “Jimuel” Pacquiao Jr., ang kanyang husay, sa pamamagitan ng pagsunod sa yapak ng kanyang ama na si Filipino Boxing Icon Manny Pacquiao.
Ang panganay na anak ng pambansang kamao ay ay sasabak sa kanyang Professional Debut sa Co-Main Event ng Maiden Event ng Manny Pacquiao Promotion sa US, sa Nov. 30 (oras sa Pilipinas).
Office of the President, magbibigay ng karagdagang cash incentives sa SEA Games medalists
Lebron James, inisnab bilang NBA All-Star starter sa unang pagkakataon simula noong 2004
BIGO si si Filipina Tennis Sensation Alex Eala sa kanyang debut sa Main Draw ng Australian Open sa Melbourne Park.
2 Pinoy, sasabak sa 2026 Winter Olympics sa Pebrero
Makakalaban ng second-generation boxer ang kapwa baguhan na si Brendan Lally, sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California.
Sinabi ng nakababatang Pacquiao na ang kanyang ama ang kanyang inspirasyon, at marami siyang natutunan dito, hindi lamang tungkol sa boksing, kundi maging sa dedikasyon at hardwork.
Simula noong 2021 ay palaging nagsasanay ang bente kwatro anyos na boksingero sa sikat na Wild Card GYM, para paghandaan ang pagsabak sa professional boxing.
