Tatlo ang sugatan makaraang mag-emergency landing ang isang maliit na eroplano sa Southern Paris suburb.
Ayon sa transport minister ng France, nagkaroon ng problema sa makina ang twin-engine plane, dahilan para mapilitan itong mag emergency landing.
Ang mga biktima na pawang sakay ng nagkalasog-lasog na eroplano ay mabilis na dinala sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas.