Dalawampung atleta ang ipadadala ng Pilipinas para sa 2025 Asian Winter Games sa Harbin, China, sa Pebrero.
Ayon sa Philippine Olympic Committee, sasabak ang mga kinatawan ng bansa sa anim mula sa labing isang sports sa Harbin Games.
ALSO READ:
Office of the President, magbibigay ng karagdagang cash incentives sa SEA Games medalists
Lebron James, inisnab bilang NBA All-Star starter sa unang pagkakataon simula noong 2004
BIGO si si Filipina Tennis Sensation Alex Eala sa kanyang debut sa Main Draw ng Australian Open sa Melbourne Park.
2 Pinoy, sasabak sa 2026 Winter Olympics sa Pebrero
Ang Curling Winter Sports Association of the Philippines o Curling Pilipinas ay mayroong sampung atleta para sa kanilang team.
Apat na figure skaters mula sa Philippine Skating Union at dalawang iba pa ang ipadadala sa winter games habang apat din na mga atleta mula sa Philippine Ski and Snowboarding Association ang lalahok sa naturang palaro.
