Magbabalik ang highest-grossing Filipino Film of all time na “Hello, Love, Again” sa Los Angeles bilang bahagi ng Manila International Film Festival 2025.
Kasunod ng magandang pagtanggap sa nakalipas na festivals, itatampok sa center stage sa TCL Chinese Theatre na matatagpuan sa sentro ng Hollywood ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
ALSO READ:
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Ang festival na gaganapin sa Jan. 30 hanggang Feb. 2, 2025, ay bahagi ng commitment ng MIFF upang ibida ang magagandang pelikula at mahuhusay na talento ng mga Pilipino sa international audience.
Bukod sa “Hello, Love, Again”, kabilang din sa MIFF program ang sampung entries mula sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).
