Bumaba ang presyo ng mga bahay sa buong bansa sa ikatlong quarter, kauna-unahan sa loob ng mahigit tatlong taon, batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Bumagsak ang Residential Real Estate Price Index (RREPI) ng 2.3 percent kumpara noong Hulyo hanggang Setyembre ng nakaraang taon.
Kabaliktaran ito ng 2.7 percent na pagtaas noong ikalawang quarter at 12.9 percent expansion sa kaparehong panahon noong 2023.
Ang RREPI ang tumutukoy sa average price changes ng residential properties ng iba’t ibang klase ng bahay at lokasyon, gaya ng condominium units, duplex units, single-detached/attached houses, at townhouses.