Naghahanda ang Canlaon City government sa Negros Oriental para sa paglilikas ng lahat ng residente sakaling itaas sa alert level 4 ang Kanlaon Volcano.
Ayon kay Mayor Jose Chubasco Cardenas, nagsagawa na ang lokal na pamahalaan ng orientation para sa “Plan Exodus” o exit operations during uncertainties strategy.
Sinabi ni Carnedas na ang mga residente na nasa loob ng 14 kilometers mula sa bulkan ay kailangan ilikas sa mga katabing bayan na Vallehermoso at Ayungon kapag idineklara ang alert level 4.
At dahil ang buong Canlaon City aniya ay 11.5 kilometers lamang ang layo mula sa bulkan, lahat ng kanilang mahigit animnapunlibong na mga residente ay kailangang i-evacuate.