13 August 2025
Calbayog City
Overseas

3 katao, patay matapos madiskaril ang tren sa Germany

TATLO ang patay habang ilan pa ang nasugatan matapos madiskaril ang pampasaherong tren sa South-West, Germany.

Nadisgrasya ang tren sa Riedlingen malapit sa Stuttgart sa hindi pa tukoy na dahilan.

Gayunman, sinasabi sa report na nagkaroon ng bagyo sa lugar, bago nangyari ang trahedya.

Nasa isandaan ang lulan ng tren, nang madiskaril ang dalawang bagon nito sa magubat na bahagi.

Ipinagluksa ni German Chancellor Freidrich ang pagpanaw ng mga biktima at nagpaabot ito ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).