NAGSAGAWA ng kilos protesta ang grupong Manibela sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City, sa pagsisimula ng panghuhuli sa unconsolidated jeepneys kahapon.
Iginiit ni Manibela President Mar Valbuena na dapat payagan ng LTFRB ang jeepney drivers at operators na pumasada pa rin, kahit hindi sila nagpa-consolidate sa mga kooperatiba.
Sinabi ni Valbuena na nasa tatlunlibo katao ang lumahok sa rally.
Una nang inihayag ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, na maituturing nang colorum ang mga jeepney na hindi pina-consolidate ng mga operator, matapos ang April 30 deadline at dalawang linggong grace period.