IPINAGBAWAL ng COMELEC En Banc ang Substitution of Candidates pagkatapos ng huling araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy kung ang dahilan ay pag-atras ng kandidato.
Ang filing ng COC para sa May 2025 Midterm Elections ay itinakda simula October 1 hanggang 8 ngayong taon.
ALSO READ:
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Nilinaw naman ni COMELEC Chairman George Garcia na pinapayagan pa rin ang substitution pagkatapos ng filing ng COC, kung ang kandidato ay namatay o na-disqualify.
Gayunman, dapat aniya na ang substitute candidate ay kapareho ng apelyido ng namatay o nadiskwalipikang kandidato, o kaya naman ay galing sa kaparehong partido.
