NAGPATUPAD ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat ng live swine, bovines, at water buffaloes mula sa South Korea at Hungary dahil sa kaso ng Foot-and-Mouth Disease (FMD).
Kabilang sa ipinagbabawal na angkatin ang semen, skeletal muscle meat, casing, tallow, hooves, at horns.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Ang FMD ay labis na nakakahawa at nakaaapekto sa mga livestock.
Kabilang sa mga hayop na maaaring maapektuhan nito ay ang mga baka, baboy, kambing at iba pa.
Sa inilabas na memorandum orders ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ang ban ay bunsod ng napaulat na FMD cases na nakaapekto sa domestic buffaloes sa Hungary noong March 7 at domestic cattle sa South Korea noong March 18.
Sa ilalim ng pag-iral ng ban, hindi maaaring magpasok sa bansa ng nasabing mga produkto na galing sa South Korea at Hungary. (DDC)