IPINASILIP ni Pauleen Luna sa social media ang ikalawa nilang anak ng asawang si Vic Sotto.
Sa naka-post na litrato, makikita ang right cheek at lips ng baby girl na may nakalagay na “good morning” at red heart emoji.
Sumunod namang post ng TV host-actress ang picture ng kanilang panganay na si Talitha na kasama niya sa hospital room.
Isinilang ni Poleng ang kanilang baby girl ni bossing noong Martes ng umaga.