NAGLABAS na ang korte ng warrant of arrest laban sa sampung principal accused sa 96.5-million peso ghost flood control project sa Davao Occidental, kabilang ang contractor na si Sarah Discaya.
Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kagabi, kasabay ng pagbibigay diin na ang mga akusado ay nahaharap sa Graft at Malversation of Public Funds, na Non-Bailable Case.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
16,000 public school teachers, prinomote ng DepEd sa ilalim ng Expanded Career Progression System
Aniya, ang ibig sabihin nito ay hindi maaring magbayad ng piyansa ang mga akusado para makalabas sila sa kulungan.
Sinampahan ng Ombudsman ng Malversation at Corruption charges sa Digos Regional Trial Court ang mga contractor na Sina Discaya at Maria Roma Angeline Rimando ng St. Timothy Construction, at iba pang DPWH-Davao Occidental Officials.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation si Discaya, matapos itong sumuko noong nakaraang Linggo.
