Aabot sa 9.4 million pesos ang halaga ng ipinamahaging cash reward ng Philippine Drug Enforcement Agency sa dalawampu’t anim (26) na informants na tumulong sa kanilang mga idinaos na operasyon.
Ayon sa PDEA, ipinagkaloob ang cash reward sa walo (8) sa idinaos na seremonya sa central office ng ahensya sa Quezon City.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Habang ang labingwalo (18) na mula sa iba’t ibang rehiyon ay natanggap na din ang kanilang pabuya.
Dalawa sa informants ang nakatanggap ng pinakamalaking reward na umabot sa tig-2 million pesos.
Ang dalawang ito ayon sa PDEA ay nakatulong sa matagumpay na pagkakakumpiska ng 119 kilograms ng tobats sa Calapan, Oriental Mindoro noong March 21.