TADTAD pa rin ng Kickback ang 2026 Budget ng Department of Public Works and Highways.
Ayon kay Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste ito ang dahilan kaya hindi siya bumoto pabor sa 2026 National Budget dahil isinusulong niyang ibaba pa ang pondo ng ahensya para matuldukan na sana ang Kickbacks.
Pangulong Marcos ininspeksyon ang Camalaniugan Bridge Project at pinasinayaan ang Water Impounding sa Cagayan
Public Access sa SALN, iniutos ni Ombudsman Remulla
Mayorya ng mga Pinoy, galit sa maanomalyang Flood Control Projects – OCTA Survey
Goitia nilinaw ang isyu sa umano’y ₱1.7 Trilyong “Market Wipeout”
Sinabi ni Leviste na posibleng aabot sa 150 billion pesos ang Kickback sa pondo ng DPWH na nakapaloob sa mga proyekto nito.
Katunayan ayon sa mambabatas, sumulat pa siya sa House Committee on Appropriations para hilingin na bawasan ng 30 percent ang presyo ng mga Road Project ng DPWH Road sa unang distrito ng Batangas at ang ibabawas na 508 million pesos ay i-realign na lang para pondohan ang pagtatayo ng mahigit dalawangdaang silid-aralan.
Matapos maaprubahan sa Kamara ay nakatakda nang i-transmit sa Senado ang 2026 General Appropriations Bill.