INANUNSYO ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nalagpasan nila ang kanilang Revised 2.85-Trillion Peso target noong nakaraang taon, sa tulong ng koleksyon sa Value-Added Tax.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na bagaman isinasapinal pa ang mga numero, ay tiyak na naabot nila ang 2.848-Trillion Peso Goal para sa taong 2024.
Ang collection target ng bir noong nakaraang taon ay mas mataas ng 22 percent kumpara sa 2.34 Trillion Pesos na kanilang nakolekta noong 2023.
Idinagdag ni Lumagui na maisasapinal ang eksaktong mga pigura sa kalagitnaan ng Pebrero.