7 February 2025
Calbayog City
Overseas

Impeached South Korean President, arestado makaraang tumawid ang mga imbestigador sa barbed wires

NASA kustodiya na ng mga awtoridad si Yoon Suk Yeol, ang kauna-unahang sitting president sa South Korea na inaresto makaraang tawirin ng mga imbestigador ang mga barikada at barbed wires.

Ang animnapu’t apat na taong gulang na si Yoon ay iniimbestigahan sa kasunod ng biglaan nitong pag-de-deklara ng Martial Law noong Dec. 3 na naglagay sa bansa sa krisis.

Na-impeach din si Yoon ng parliamento at sinuspinde, subalit tuluyan lamang itong mapatatalsik sa pwesto kung pagtitibayin ng constitutional court ang impeachment.

Gayunman, ang dramatic arrest kay Yoon ang nagtapos sa ilang linggong stand-off sa pagitan ng mga imbestigador at kanyang Presidential Security System.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).