KUMITA ang basketball player na si John Amores ng 67,500 pesos matapos magbenta ng dalawang items sa sikat na content creator at businessman na si Jayson Luzadas, na mas kilala bilang “Boss Toyo.”
Ibinenta ng bente singko anyos na cager ang kanyang jersey na suot nang mangyari ang rambulan sa pagitan ng Jose Rizal University at De La Salle-College of Saint Benilde sa NCAA Season 98 noong November 2022.
Gayundin ang sulat na kanyang tinanggap mula kay Vice President Sara Duterte, na naglalaman ng words of encouragement, kasunod ng JRU-Benilde Incident.
Si Amores na bahagi noon ng Heavy Bombers ay pinagsusuntok ang ilang Players Blazers, dahilan baka patalsikin ito mula sa JRU Basketball Team at Athletics Program at sinuspinde indefinitely sa NCAA.