Nadakip ng Bureau of Immigration ang dalawang high-profile na puganteng Korean na sangkot sa multi-million online gambling operations sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Unang nadakip sa bahagi ng Makati City ang suspek na si Seo Hyemi na siyang senior operational mastermind at nasa likod ng dalawampu’t tatlong online gambling platforms kabilang ang mga website na nag-aalok ng sports betting at casino-style games gaya ng baccarat at Powerball.
Ang dayuhan ay subject ng Interpol Red Notice matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kaniya ang Incheon District Court dahil sa paglabag sa National Sports Promotion Act ng nasabing bansa.
Samantala sa hiwalay na operasyon, nadakip din ang Korean na si Park Unbae, sa Parañaque City.
Wanted naman si Park sa mga kasong may kaugnayan sa illegal gambling operations at paglabag din sa National Sports Promotion Act.
Ang dalawang dayuhan ay na kapwa overstaying na sa bansa ay isasailalim sa blacklist at watchlist ng BI.




