29 December 2025
Calbayog City
Local

2 firecracker-related injuries at 163 road crash injuries, naitala sa Eastern Visayas

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas ng dalawang kaso ng firecracker-related injuries at 163 road crashers injuries sa pagdiriwang kapaskuhan sa rehiyon.

Sa dalawang biktima ng paputok, isa ay mula sa Samar na nagtamo ng injuries matapos magsindi ng pailaw habang ang isa pa ay naospital sa Leyte dahil sa paggamit ng hindi tukoy na paputok.

Sinabi ni DOH-Eastern Visayas Regional Information Officer Francis Kenneth Fabula, na nakapagtala rin sila ng isandaan at animnaput tatlong nasugatan dahil sa mga aksidente sa kalsada na ang karamihan ay nangyari matapos dumalo sa Christmas parties at family reunions.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).