PINALAWIG ng Senado at Kamara ang kanilang timeline para sa ratipikasyon ng panukalang budget.
Sinabi ni Senate Finance Committee Chairperson Sherwin Gatchalian na target ngayon ng dalawang kapulungan na ratipikahan ang 6.7-Trillion Peso Spending Bill sa Dec. 29, mahigit isang linggo pa mula sa naunang plano na Dec. 22.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
16,000 public school teachers, prinomote ng DepEd sa ilalim ng Expanded Career Progression System
Aniya, ang re-adjusted timeline, na ikinonsulta rin kay House Appropriations Panel Chairperson Rep. Mika Suansing, ay ikinunsidera rin ang noche buena at pasko.
Idinagdag ni Gatchalian na target nilang i-transmit ang Ratified Budget Proposal sa Office of the President sa Dec. 29 ng hapon.
Dahil dito, may dalawang araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para lagdaan ang 2026 National Budget at mag-veto ng items kung kinakailangan.
