Idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa press briefing sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting na matapos ng special session ng en banc, binanggit ng mataas na hukuman ang one-year rule at due process.
Ayon kay Ting unanimous ang naging pasya ng en banc habang nag-inhibit sina Associate Justices Benjamin Caguioa at Maria Filomena Singh.
Mayroong apat na reklamo na nakabinbin laban sa bise presidente sa Kamara kung saan tatlo dito ang hindi naisulong.
Sinabi ng SC na ang unang tatlong reklamo ay sakop na ng one-year bar rule kaya ang ikaapat na impeachment ay maituturing ang “invalid”.