MAHIGIT labing anim na libong public school teachers ang prinomote ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) System.
Sa statement, sinabi ng DepEd na 16,025 teachers ang pormal na prinomote, habang nai-proseso na ang appointments para sa karagdagang 41,183 teachers at na-transmit na sa Department of Budget and Management (DBM) para sa Funding Approval.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Ipinaliwanag ni Education Secretary Sonny Angara na layunin ng ECP System na tugunan nang matagal nang delays sa promotions ng mga guro.
Sa ilalim ng ECP Framework, alinsunod sa Republic Act 12288 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre, maaring ma-reclassify o ma-promote ang mga teacher ng hanggang three salary grades, depende sa kanilang qualifications at experience.
