Labing anim katao ang sugatan, kabilang ang apat na menor de edad, makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang jeep sa isang puno sa Angono, Rizal.
Ayon sa pulisya, patungong Binangonan ang jeep galing Taytay nang mangyari ang insidente.
Sa salaysay ng bente nueve anyos na driver, mayroon umano siyang nakagitgitan at may tumama sa gilid ng kanyang jeep kaya napakabig siya at bumangga sa isang puno.
Posibleng maharap ang tsuper sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.