BINALAAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Regional Office ang publiko laban sa mga indibidwal o grupo na nagpapanggap na kinatawan ng ahensya para sa Satellite Connections, Tower Construction, o mga kahalintulad na proyekto sa Eastern Visayas.
Sa Public Advisory na inilabas ni DICT-Region 8 Officer-In-Charge Melvyn Carlo Barroa, nilinaw ng ahensya na hindi sila konektado sa mga pribadong indibidwal o grupo na nag-aalok ng transaksyon na may kinalaman sa pag-upa o pagbili ng lote para sa pagtatayo ng Tower, Internet o Satellite Facilities, o anumang kasunduan na nangangako ng Monetary Compensation o Facilitation Fees.
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
Nakasaad din sa Advisory na hindi pinahihintulutan ng DICT ang pangongolekta ng anumang bayad mula sa Private Individuals, Land Owners, o mga organisasyon para sa implementasyon ng kanilang Official Programs at Projects.
Kasabay ito ng pagbibigay diin na anumang Solicitation o pagde-demand ng pera kapalit ng DICT-Related Projects ay Unauthorized at Fraudulent.
Hinimok din ni Barroa ang publiko na maging mapanuri sa pakikipag-usap sa mga umano’y kinatawan ng Mobile Network Operators at Independent Power Companies, kasunod ng Report na may mga indibidwal na nagpapanggap na agents na bumibili o umuupa ng Private Properties para sa Cellular Tower Sites.
