SIMULA ngayong Lunes, Dec. 1, itinakda ng Department of Agriculture (DA) sa 120 pesos ang price cap sa kada kilo ng pula at puting sibuyas.
Ito ay upang ma-stabilize ang presyo ng produkto sa gitna ng tumataas na demand bago ang kapaskuhan.
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nasa 60 pesos per kilo ang imported na sibuyas, kaya sakto na ang 120 pesos na cap upang matiyak ang disenteng kita mula sa importers, logistics providers hanggang sa retailers.
Idinagdag ng DA chief na bagaman may bahagyang pagbaba sa supply bunsod ng na-delay na imports, hindi makatwiran na higit sa doble ang presyo kumpara sa karaniwang lebel. Inihayag pa ng kalihim na kamakailan ay na-obserbahan ng kanilang Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) ang pagtaas ng retail prices ng sibuyas na umaabot ng hanggang 300 pesos per kilo.
