Umabot sa 1,004 pang persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) magmula Hunyo13 hanggang Hulyo 3.
Sa idinaos na culminating ceremony sa New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa City sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na umabot na sa kabuuang 24,583 PDLs ang napalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa datos ng BuCor lumaya ang mga PDLs sa sumusunod na kadahilanan:
- Acquittal – 61
- Granted probation – 16
- Habeas Corpus -16
- Parole – 94
- Bail Bond – 1
- Cash Bond – 1
- Expired sentence na hindi sakop ng Department Order 652 – 459
- Expired sentence na aprubado ng Secretary of Justice – 356
Sa ilalim ng Department Order 652 na inisyu noong 2024 ng DOJ, ang paglaya ng lahat ng PDLs na nakakulong sa mga pambansang piitan at natapos nang maserbisyuuhan ang kanilang hatol ay aaprubahan ng Director General ng BuCor o ng kanyang otorisadong kinatawan.
Habang ang paglaya ng PDLs na nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo o reclusion perpetua o mga nasa klasipikasyon ng high-risk/high-profile ay ipatutupad lamang kapag naaprubahan na ito ng DOJ Secretary.
Nabatid na ang mga lumayang PDLs ay nagmula sa sumusunod na pasilidad:
- Correctional Institution for Women (CIW) – 52
- CIW- Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) – 1
- CIW- Mindanao – 10;
- Davao Prison and Penal Farm – 136
- Iwahig Prison and Penal Farm – 109
- Leyte Regional Prison – 50
- New Bilibid Prison (NBP) – 256
- NBP-Maximum – 79
- NBP-Medium – 62
- NBP-Minimum – 17
- NBP-Reception and Diagnostic Center (RDC) – 9
- Sablayan Prison and Penal Farm – 110
- San Ramon Prison and Penal Farm – 113. (Bhelle Gamboa)