SUGATAN ang isang sundalo ng Thailand sa landmine malapit sa Cambodian Border, ayon sa Thai Army, ilang araw matapos magkasundo ang dalawang bansa sa Ceasefire kasunod ng limang araw na hidwaan noong nakaraang buwan.
Malubhang nasugatan sa kaliwang bukong-bukong ang Thai Soldier matapos nitong matapakan ang mina habang nagpapatrolya sa border mula sa Ta Moan Thom Temple sa Surin Province.
Sinabi ni Thai Army Spokesman Major General Winthai Suvaree na malinaw na nilabag ng Cambodia ang Ceasefire, pati na ang International Agreements, gaya ng Ottawa Convention laban sa landmines.
Ito na ang ika-apat na beses sa loob ng mga nakalipas na linggo na may nasugatang Thai Soldiers dahil sa landmines habang nagpa-patrolya sa Border.