IDINEKLARA ang bayan ng Villareal sa Samar bilang Insurgency-Free kasunod ng resolusyon na ipinasa ng Local Government Officials batay sa rekomendasyon ng Municipal Peace and Order Council.
Pinangunahan ni Mayor Marilou Latorre, kasama si 802nd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Pompeyo Jayson Almagro at iba pang mga opisyal mula sa militar at pulisya, ang pormal na deklarasyon ng Stable Internal Peace and Security Condition (SIPSC).
Sangguniang Panlungsod ng Calbayog, inamyendahan ang naunang resolusyon sa GWEC Project
CSC Samar Field Office On-Site Acceptance para sa March 2026 Career Service Exam, isinasagawa sa Calbayog City
Philippine Red Cross Western Samar, naglunsad ng training hinggil sa Forecast-Based Anticipatory Action
Water System na pinondohan ng World Bank, pakikinabangan ng mahigit 8,000 residente sa Leyte
Sinabi ni Latorre na utang nila ang naturang tagumpay sa hindi matatawarang dedikasyon ng Local Government, sigasig ng security forces, at pinakamahalaga sa lahat, ay ang aktibong pakikiisa ng bawat residente.
Inihayag naman ni Almagro na ang deklarasyon na nagpapatunay na malaya na ang Villareal mula sa impluwensya ng New People’s Army, ay inaasahan nang magbubunga ng positibong pagbabago, partikular sa sektor ng pagnenegosyo.
