22 November 2024
Calbayog City
National

1-hour classes sa bawat subject, ibabalik ng DepEd

DepEd Matatag – 1

NAGLABAS ng panibagong guidelines ang Department of Education (DepEd) para sa flexible na pagpapatupad ng MATATAG Curriculum.

Sa ilalim kasi ng DepEd Order No. 10 Series of 2024, lahat ng learning areas o bawat subject ay paglalaanan ng 45-minutes kada araw sa loob ng limang araw.

Mayroon ding Homeroom Guidance Program na 45-minutes isang beses sa isang linggo.

Sa inilabas na deped Order No. 12 ang nasabing guidelines ay pananatilihin bilang Option A.

Gayunman, magkakaroon ng dalawa pang dagdag na opsyon na maaaring magamit ng mga eskwelahan.

Sa ilalim ng Option B, maaaring bigyan ng time allotment na 50, 55, o 60 minutes ang mga subject.

Ang English, Mathematics, Science, at Good Manners and Right Conduct (GMRC) o Values Education ay dapat maituro limang beses sa isang linggo.

Habang ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP), Technology and Livelihood Education (TLE), Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH), Araling Panlipunan (AP), at Filipino ay ituturi ng apat na beses sa loob ng isang linggo.

Ang Homeroom Guidance Program naman ay once a week.

Sa ilalim naman ng Option C, kung hindi kakayaning ipatupad ang anuman sa Option A at B ay maaaring magpanukala at magpatupad ng kombinasyon ang paaralan.

Kailangan lamang matiyak na masusunod ang learning contact time na hindi bababa sa 5 1/2 hours kada araw.

Ang time allotment para sa mga subject na English, Mathematics, Science, at GMRC o Values Education ay dapat hindi bababa sa 225 minutes kada linggo.

Habang ang time allotment para sa EPP/TLE, MAPEH, AP, at Filipino ay hindi dapat bababa sa 200 minutes per week.

Ang time allotment naman para sa homeroom guidance program ay dapat hindi bababa sa 45 minutes per week.

Ang bagong guidelines sa MATATAG Curriculum ay ipatutupad simula sa second quarter ng kasalukuyang School Year. (DDC)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).