INANUNSYO ni US President Donald Trump na tapos na ang giyera sa Gaza, kasabay ng kanyang pagbiyahe sa Israel para sa pagre-release ng mga hostage sa ilalim ng Ceasefire Deal sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sa kanyang pagsakay sa Air Force One, sinabi ni Trump na mananatili ang Ceasefire at agad bubuuin ang “Board of Peace” para sa Gaza, na tila aniya isang “Demolition Site.”
ALSO READ:
Pinatalsik na prime minister ng Bangladesh, sinentensyahan ng kamatayan bunsod ng pagsawata sa mga estudyante
11 patay, 12 nawawala kasunod ng landslide sa Central Java sa Indonesia
Mga Pinoy sa Northern Japan pinag-iingat sa wild bear attacks
Colombian Military, binomba ang hinihinalang kampo ng mga rebelde; 19, patay!
Pinuri rin ng US president ang naging papel ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at ng Qatar, na isa sa mediators.
Ipinatupad ang Ceasefire sa Gaza noong Biyernes ng umaga, matapos magkasundo ang Israel at Hamas sa First Phase ng 20-Point Peace Plan na pinangunahan ni Trump.
