MAHIGIT isanlibo limandaang subprojects ng Anti-Poverty Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ang nakumpleto sa unang anim na buwan ng 2024, ayon sa Department of Social Welfare and Development.
Sinabi ni DSWD 8 Regional Information Officer Jonalyndie Chua na nagbuhos ang National Government ng 1.7 billion pesos para sa naturang Poverty Alleviation Projects, kabilang ang ilang components ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project (PMNP).
Sa kabuuang bilang ng subprojects sa Eastern Visayas, 461 ay sa Leyte; 382 sa Samar; 189 sa Northern Samar; 323 sa Eastern Samar; 130 sa Southern Leyte; at labinsiyam sa Biliran.
Ang nakumpletong mga proyekto simula Enero hanggang Hunyo ay kumakatawan sa 48 percent ng 3,214 target subprojects ng programa ngayong taon.
Ang natitirang projects naman ay target makumpleto bago magtapos ang programa sa Setyembre.