Kinansela na ng TV host na si Willie Revillame ang plano niyang pagkandidato sa Senado, anim na buwan matapos niyang ihayag ang intensyon na sumabak sa politika.
Sinabi ni Willie na alinsunod sa bago niyang kontrata sa TV 5, ipinagbawal ng network ang paglahok niya sa politika.
ALSO READ:
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Aktres na si Ruby Ruiz, nakauwi na sa Pilipinas matapos ma-stranded sa Dubai
Inihayag ng TV na ipagpapatuloy na lamang niya ang paglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng kanyang show.
Inamin din ni Willie na frustrated siya sa mga nangyayari sa politika sa bansa dahil panay ang awayan at walang pagkakaisa.
Enero nang ideklara ng TV host na handa na siyang tumakbong senador sa midterm elections sa susunod na taon.
