HINDI lamang dapat sumentro sa Flood Control Projects ang imbestigasyon na ikakasa ng binuong Infrastructure Committee sa Kamara.
Ayon kay House Committee on Public Accounts Chairman Rep. Terry Ridon na siya ring co-chair ng Infra Committee, dapat sakupin ng imbestigasyon ang lahat ng Ghost o Substandard Infrastructure Programs sa lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Financial Transactions ng Flood Control Contractors, iniimbestigahan na ng AMLC
Dating DPWH Sec. Bonoan, pinangalanan sa bagong pasabog ni Sen. Lacson
Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa maanomalyang Flood Control Projects
PBBM, nakabalik na sa bansa mula sa State Visit sa Cambodia bitbit ang limang nilagdaang Kasunduan
Hindi rin limitado ang Timeline ng imbestigasyon sa kasalukuyang administrasyon lamang kundi kasama ang lahat ng mga palpak na proyekto maging sa mga nagdaang administrasyon.
Ipinaliwanag ni Ridon na bahagi ng mandato ng Komite na suriin ang mga nagdaang at kasalikuyang proyekto kabilang ang mga School Projects, Road Projects, mga tulay at iba pang pasilidad na ipinatupad ng Department of Public Works and Highways at ng iba pang ahensya ng pamahalaan.
Samantala ayon kay Ridon, kung masusuportahan ng ebidensya ay maaaring kasamang talakayin ng binuong Infrastructure Committee ang tinutukoy ni Vice President Sara Duterte na anomalya sa School Building Programs.