NAGHAIN ng Urgent Motion ang legal counsels ng contractor na si Sarah Discaya at walong co-accused nito upang manatili sila sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kasunod ito ng kanilang pagkakaaresto bunsod ng umano’y ghost flood control project sa Davao Occidental.
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Acting PNP Chief Nartatez personal na dumalaw sa mga sugatang pulis at pinarangalan ang nasawing kasamahan sa Quezon
Si Discaya, kasama ang walong iba pa ay dinakip dahil sa Graft at Malversation of Public Funds Charges at ikinulong sa Lapu-Lapu City Kail sa Cebu noong Sabado.
Ayon kay NBI Spokesperson, Atty. Palmer Mallari, humihirit ang depensa na ibalik ang mga akusado sa kustodiya ng NBI, sa halip na manatili sa City Jail.
Dahil dito, inatasan ng Korte ang Ombudsman sa Visayas at ang NBI na magkomento sa loob ng sampung araw.
Bukod dito, hiniling din ng depensa na payagan si Discaya na dumalo sa Court Hearings, sa pamamagitan ng video conferencing.
