13 July 2025
Calbayog City
Local

DepEd-8,  hinikayat ang mga magulang na i-enroll ang mga anak sa paaralang  malapit sa kanila

HINIKAYAT ng Department of Education (DepEd) sa Region 8 ang mga magulang na pumili ng paaralang malapit sa kanilang bahay para sa pag-aaral ng kanilang mga anak, sa gitna ng napaulat na pagsisiksikan sa ilang eskwelahan sa sentro ng mga bayan.

Sinabi ni DepEd Eastern Visayas Regional Information Officer Jasmin Calzita na ilang campus sa urban centers ang napaulat na umabot na sa maximum capacity ng paaralan dahil sa pagtanggap ng enrollees.  

Gayunman, kung tutuusin ay mayroong mga eskwelahan sa mga barangay na kakaunti ang mga nag-e-enroll.

Isa aniya sa halimbawa nito ay ang Leyte National High School sa Tacloban City na mayroong 10,000 students, kabilang na ang mga nakatira sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Noong 2022, iniulat ng DepEd na ang anim na lalawigan sa region 8 ay mayroong 4,471 na mga paaralan.

Ang Eastern Visayas ang ika-apat sa may pinakamaraming campuses mula sa labimpitong rehiyon sa bansa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).