15 February 2025
Calbayog City
National

Bilang ng mga nasawi sa Bagyong Carina at Butchoy, at Habagat, umakyat na sa tatlumpu’t siyam

UMAKYAT na sa tatlumpu’t siyam ang death toll mula sa pinagsama-samang epekto ng Super Typhoon Carina, Habagat, at Bagyong Butchoy, batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ayon sa NDRRMC, labing apat sa mga nasawi ay na-validate na habang dalawampu’t lima ang bini-beripika pa.

AIRASIA

Anim ang nananatiling nawawala habang siyam na iba pa ang nasugatan.

Samantala, sa tala rin ng NDRRMC, umabot na sa mahigit 4.8 individuals ang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Kabilang dito ang mahigit isandaanlibo katao na nananatili pa rin sa mga evacuation center.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.