INANUNSYO ng Amerika ang panibagong 500 million dollars na funding para sa militar at coast guard ng Pilipinas, para palakasin ang real-time information sharing at defense technology cooperation sa gitna ng pagiging agresibo ng China.
Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na ang military aid ay gagamitin para paigtingin ang kapabilidad ng pilipinas upang malabanan ang unlawful aggression.
Kahapon ay nakipagpulong sina Teodoro at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa kanilang US Counterparts na sina Pentagon Chief Lloyd Austin at US Secretary of State Antony Blinken, sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Pinagtibay ng mga opisyal ang commitment ng dalawang bansa sa kanilang matagal nang alyansa, at binigyang diin ang pag-unlad ng high-level engagements sa defense, security, climate change, cybersecurity, trade, at economy.
Nakapaloob sa 500 million dollars o katumbas ng 29.32 billion pesos ang ang alokasyon ng mahigit 128 million dollars para sa edca infrastructure projects na inihirit ni US President Joe Biden mula sa US Congress.